PlayPark XP 2018: Xtreme Palaro



Xtreme Paskuhan na sa pinakamalaking Xmas Party para sa Gamers sa buong Asya 🎁🎄🎉 Kumpletuhin ang saya sa PPXP sa mga pa-games na hinanda para sa inyo made possible by MSI, NVIDIA, EON, Globe and PC Buyer's Guide.

PlayPark XP Cosplay Contest (Mechanics)

Pagalingan at pasiklaban sa natatanging catwalk sa PPXP. Sumali na sa dalawang (2) category - PlayPark Cosplay at PlayPark XP Christmas!

PlayPark XP Christmas Carol Contest

Ihanda na ang iyong ginintuang boses. Pagalingan sa performance ang bawat game ng PlayPark pagdating sa finale ng PlayPark XP 2018.
Ang mananalong Game ay tatanggap ng Php 15,000 worth of cash at load prizes. May runner up prize din ang lahat ng sasali.
Lapit na sa iyong community manager (CM) para sumali.

PlayPark XP Xchange Gift

Hindi kumpleto ang Pasko kung walang regalo mula sa inyong CM at GM. Magdala lang ng regalong hindi bababa sa Php 100 ang halaga. I-register sa booth at maaaring ikaw ang mag-uwi ng regalo mula sa paborito mong GM!
Tandaan, hindi dapat nakabalot ang regalo para masigurado ang kalidad nito.

PlayPark XP Ms. Q and A

Hindi lang sa arena ang pabonggahan. Maghaharap ang pinaka magagaling at pinaka magagandang reyna sa PlayPark. Bawat isang PlayPark game ay magpapadala ng kanilang kinatawan sa unang-unang PlayPark XP Ms. Q and A. Lapit na sa iyong community manager para malaman kung paano sumali.
Mag-uuwi ng korona, pagkakakilanlan at umaatikabong prizes ang magwawagi - isa na rito ang Php 10,000 worth na cash at PlayPark load kasama pa ang mga items mula sa iyong PlayPark game. Tara na!

PlayPark XP Event Passport

Magmaaga sa PlayPark XP 2018 sa Manila para siguradong isa ka sa mga unang makakatapos ng mga quests sa PPXP. May naghihintay na mga rewards para sa inyo.

Iilan lamang ito sa mga pasabog sa Xtreme Paskuhan party ng taon. Abangan ang mga susunod na announcement!